Naniniwala ang grupong Federation of Free Farmers na mapasasama lang ang estado ng rice supply at kalagayan ng mga local farmers kasunod ng itinakdang price celing ng Gobyerno sa presyo ng mga bigas.

Ayon sa tagapangulo ng FFF na si Raul Montemayor – lalo lang daw makakawa ang mga lokal na magsasaka dahil sa order na ito.
Aniya, magkaiba raw kasi sila ng pananaw ng Gobyerno, kung ikukumpara sa assessment ng mga magsasaka.
Kung sa tingin daw ng pamahalaan na ang sanhi ng pagsirit ng presyo ng bigas sa merkado ay dahil sa mga hoarders at price manipulators – sa pag-aaral ng kanilang grupo ay dahil ito sa mababa talagang suplay ng bigas.
Aniya, kung bababaan ang suggested retail price ng bigas – mapipilitan ang mga retailers na baban din ang presyo ng pagbili nila ng mga palay sa mga magsasaka.
Mawawalan din daw ng gana ang mga local farmers lalo na’t nataon ang pagbaba ng presyo sa kanilang harvest season.
Panawagan ni Montemayor – dapat daw ay magkaroon na sana muna ng sapat na pag-aaral bago nagpatupad ng ganitong uri ng direktiba.