Grupo ng Kabataan sa Rizal, pinag-aaralan ang pagsasampa ng reklamo laban sa DepEd matapos i-ugnay ang mga estudyante sa terorista

Kinondena ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd)-Rizal, NTF-ELCAC, at 80th Infantry Battalion matapos ang umano’y pamamahagi ng mga pamphlet na nagpapakitang ang mga estudyante at raliyista ay iniuugnay sa mga terorista dahil sa pagtutol ng mga ito sa ilang polisiya ng gobyerno.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Castro, sinabi nitong noon pa man ay may iba’t iba nang estilo ang ilang ahensya para gawin ito.

Kaugnay nito, pinag-iisipan na umano ng mga kabataan sa Rizal ang paghahain ng reklamo laban sa DepEd-Rizal at 80th Infantry Battalion.

Napapasama raw kasi sa mga nare-red tag ang mga mamamayang hindi naman kasama sa mga progressive organization.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *