Groundbreaking ceremony para sa SWAIB facility, isinagawa sa lalawigan ng albay

LEGAZPI CITY – Isinagawa sa lalawigan ng Albay ang Groundbreaking Ceremony kung saan itatayo ang proposed Swine Artificial Insemination sa Barangay (SWAIB) facility kahapon, Hulyo 4, 2023.

Layunin ng SWAIB facility ang pagpapabuti ng industriya ng produksyon ng baboy sa lalawigan.

Ito rin ay upang mas madagdagan pa ang populasyon ng baboy bilang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan upang palakasin ang suplay ng pagkain sa lalawigan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang SWAIB ay isang P4.7M na proyekto na itinulak ng Provincial Veterinary Office sa ilalim ng Provincial Veterinarian na si Dr. Pancho Mella sa pamamagitan ng suportang pondo ng ATI at DA.

Ang nasabing groundbreaking ceremony ay pinangunahan ni Albay Governor Edcel Grex Lagman sa Albay Livestock Station, Sitio Parapoto, Malinao, Albay.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang nasabing kaganapan ay pinangasiwaan ng Provincial Veterinary Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at ng Agricultural Training Institute (ATI) RTC 5.

Ayon naman kay ATI Center Director Ms. Elsa Parot, ang SWAIB Project ay ang pangako ng kanilang instituto sa Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang hangarin na buhayin ang industriya ng baboy sa Albay.