Grass at forest fire posible ngayong tag-init

NAGA CITY – Posibleng magkaroon ng mga grass fire at forest fire sa mga lugar na ngayong panahon ng tag-init.

Ito ang pahayag sa Brigada News FM Naga ni Benny Antones, Public Information Officer ng Iriga City Environment and Natural Resources o CENRO Iriga.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, kinakailangang mag-ingat o iwasang gumawa ng mga dahilan sa pagkakaroon ng sunog ngayong tag-init dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng malawakang sunog, katulad ng nangyare sa ibang bahagi sa bayan ng Baao, Camarines Sur, nitong nagdaang buwan kung saan napabayaang upos ng sigarilyo ang dahilan at malawak na bahagi ang naapektuhan. Nagkaroon din ng grassfire sa Pasacao nitong Marso lamang.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaya paalala nito na huwag basta-basta magtatapon ng mga basura kung saan-saan lalo na ang sigarilyo at iba pang mga bagay na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sunog.