NAGA CITY- Magandang hakbang ang unti-unting pagbabalik sa dating academic calendar para sa mga estudyante at guro kung ang panahon at temperatura ang pag-uusapan.
Ito ay ayon kay Mike Padua, kilalang typhoon forecaster sa Naga City. Aniya sa susunod na mga Linggo asahan na ang mas mainit na panahon o ang Hot Dry Season. Hindi matindi ang epekto ng El Niño sa Camarines Sur at Bicol Region kung ikukumpara sa ibang mga rehiyon pero makakaranas pa rin ng aabot sa 48-50°C heat index.
Kaya ayon kay Padua magandang development ang DepEd Order No. 003 s. 2024. Nakasaad dito na July 29 na magsisimula ang academic year 2024-2025 upang maaga na ring makapagsimula sa school year 2025-2026. Mababatid na marami ang nag collapse dahil sa init ng panahon sa kasagsagan ng init nitong nagdaang taon.