Govt, target makakuha ng 15K volunteers para sa COVID vax solidarity trial ng WHO

Target ng Pilipinas na makakuha ng 15,000 indibidwal na lalahok sa solidarity trial na pangungunahan ng World Health Organization (WHO) para subukan ang dalawang klase ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology’s Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, ang naturang clinical trials ay gagawin dahil ang “ideal vaccine” ay hindi pa nabubuo.

Paliwanag nito na ang kasalukuyang mga bakuna na bagama’t epektibo ay may ilang kondisyon.

Inihalimbawa ni Montayo ang kondisyon ng mRNA vaccines gaya ng Pfizer, na kailangang itago sa minus 70°, na mahirap umanong i-maintain.

Dahil dito, naghahanap ang mga health experts ng iba pang bakuna na parehong epektibo pero kaunti lang ang requirements, partikular na sa transport at storage requirement.//MHEL PACIA-TRINIDAD