Mariing tinututulan ng Department of Health ang pag-apruba ng Senado sa vape regulation bill na magpapababa sa edad ng mga papayagang bumili at gumamit ng e-cigarettes at vapes mula 21 sa 18-taong gulang.
Mababatid na ang Senate Bill No.2239 ay una nang naaprubahan noong nakaraang linggo.
Ayon sa DOH, “retrogressive” ang naturang panukala at naglalaman ng ilang provisions na taliwas mula sa layunin para sa kalusugan ng publiko at sa international standards.

Maliban dito, hinahatak rin nito pababa ang progreso ng bansa sa tobacco and control.
Kaugnay nito, 48 medical groups rin ang nagpahayag ng pagtutol at hinimok si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang kontrobersiyal na panukala. //MHEL PACIA-TRINIDAD