Govt probe sa umano’y kinuhang COVID vax sa ospital papunta sa bahay ng politician sa N.Samar

Iimbestigahan ng Department of Health at ng National Bureau of Investigation ang ulat ng umano’y dose-dosenang Sinovac vaccines na kinuha mula sa ospital at dinala sa isang bahay ng politician sa Northern Samar.

Batay sa ilang ulat, 15 doses ng Sinovac shots ang kinuha mula sa Northern Samar Provincial Hospital at dinala sa bahay ng hindi pinangalanang politician sa Catarman.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang mga bakuna ay sinasabing gagamitin umano para sa security escorts ng naturang pulitiko.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay na nila ang report ng regional health office kaugnay sa naturang insidente, pero nagbabala sa mga local officials na ang naturang kontrobersiya ay magpapalala lang sa tiwala ng publiko sa vaccination program ng gobyerno. // MHEL PACIA-TRINIDAD