Gov’t ibibigay na ang P20,000 cash aid sa ECP pensioners sa Mayo

Sisimulan na ng gobyerno ang pamamahagi ng one-time cash aid para sa mga pensioners ng Employees’ Compensation Program, o ECP sa susunod na buwan.

Matatandaan na nitong buwan nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrative order na magbibigay ng one-time P20,000 financial assistance sa mga ECP pensioners.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ang ECP ay binuo para magbigay ng kompensasyon para sa mga public at private workers at sa kanilang dependents para sa work-related sickness, injury, o death.

Ayon kay Stella Banawis, executive director ng Employees’ Compensation Commission, na ang ECP pensioners ay hindi na kailangang mag-apply para makatanggap ng naturang ayuda, at ang halaga ay ipamamahagi sa kaparehong paraan ng pagkuha ng kanilang pensyon.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Samantala, ang mga sakop naman ng financial assistance ay ang mga ECP pensioners na nakatanggap ng minimum ng isang pensyon mula Enero 2020 hanggang May 2021.

Umaasa naman si Banawis na maipapamahagi nila ang cash aid sa lahat ng 30,000 target beneficiaries sa loob ng dalawang hanggang tatlong buwan. // MHEL PACIA