Sinisi ng US International development agency ang gobyerno ng Ethiopia sa shortage ng tulong na nakakarating sa conflict-torn region na Tigray.
Ayon sa US-AID, mismong ang gobyerno ang humaharang sa mga tulong na gustong ipasok sa Tigray.
Kaugnay nito ay nagbabala ang ahensiya na posibleng maubos na ngayong linggo ang food supply sa Tigray kung saan daan-daang libo ang magugutom dahil sa tensyon sa pagitan ng tropa ng gobyerno at rebel forces.
Sinabi naman ng tagapagsalita ni Prime Minister Abiy Ahmed na pinapayagan naman ng gobyerno ang mga tulong na makapasok sa Tigray pero prayoridad nilang hindi makompromiso ang seguridad.
Sinabi ni Billene Seyoum na masyadong peligroso ang sitwasyon kaya naman tuloy tuloy ang “checks and processes” sa lugar.
Patuloy naman ang panawagan ng USAID sa gobyerno ng Ethiopia na payagan na ang humanitarian assistance sa rehiyon.
