Gobyerno, magpapatupad ng VAT sa digital service providers

Inihayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na iaadjust ang tax system ng gobyerno para maisama ang imposition ng value-added tax (VAT) on digital service providers.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (Sona), sinabi ni Marcos Jr. na ang pagpapatupad ng VAT sa digital service providers ay nakikitang makakalikom ng P11.7 billion na income para sa gobyerno, sa loob lang ng 2023.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Dagdag ni Marcos Jr. sisimplehan rin ang tax compliance procedures para mai-promote ang maluwag na pagbabayad ng buwis.

Mababatid na isinusulong rin ng chief economic manager ng pangulo na si Finance Secretary Benjamin Diokno, para sa pagpapataw ng tamang buwis sa streaming service payments at iba pang digital transactions, bilang paraan para sa gobyenro na makaliko ng karagdagang kita.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Ayon kay Diokno, ang mungkahi na buwisan ang digital services ay ginawa sa basehan ng pagiging patas, dahil ang mga digital transactions ay may posibilidad na na tumakas sa pagpapataw ng buwis, hindi umano gaya ng mga purchases na ginagawa over-the-counter.