Goa Central School, may mahigit 300 nang new enrollee

Nakapagtala na ng mahigit 300 bagong mag-aaral ang Goa Central School, sa Goa, sa Partido Area, ilang araw bago tuluyang magsimula ang pasukan. Ayon kay Oscar Parola, school head, bagaman mayroong kakulangan sa classroom, may mga inilatag nang temporary learning center sa paaralan upang pansamantalang magamit.

Samantala, nakapagtala na ngayon ang probinsya ng Camarines Sur sa may pinakamalaking bilang ng enrollee sa Bicol Region base sa pinakahuling datos ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ayon sa tala ng DepEd Bicol sa Learners Information System Enrollment Quick Count for SY 2024-2025, umabot na sa mahigit 198,000 ang mga nakapag-enroll kabilang na ang mga nasa Alternative Learning System.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter