Inihayag ni Senador Christopher Bong Go na full support siya sa Pamilya Duterte.
Ayon sa Senador, susuportahan niya kahit sino sa kanila ang tatakbo at kung ano mang position ang tatakbuhan nito sa halalan sa 2022.
Paliwanag ni Go, mahigit dalawang dekada na niyang pinagsisilbihan si Pangulong Duterte kaya alam nito na kapakanan lamang ng sambayanang Pilipino ang nasa isip ng punong ehekutibo.
Kasabay nito nanawagan naman ang Senador sa mga kasamahan niya sa partido, na mas magkaisa ngayon at isulong ang iisang hangarin na ipagpatuloy ang mga magagandang pagbabagong sinimulan ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Go na kailangan nilang magtulungan nang sa gayon ay makabalik na sa dating pamumuhay ang lahat.
Handa naman umano si Go na pumagitna at palaging bukas ang kanyang linya para maayos ang dapat ayusin ng aking mga kapartido, katulad ni Sen. Manny Pacquiao, at upang mas lalong mapalakas ang hanay ng partido para sa ikakabuti ng sambayanang Pilipino.// LEY BAGUIO
