Go sa kapwa public servants: Suportahan ang anti-corruption drive ng Duterte admin

Tiniyak ni Sen. Bong Go na nananatiling nakatutok ang Duterte administration sa paglaban sa korapsyon sa gobyerno, na nanging pangako na umano niya sa mga Pilipinos simula noong unang araw nito sa termino.

Ito ay sa kabila na hindi nagkomento si Go kaugnay sa motivation ni Senator Manny Pacquiao na nagsasabing mas naging talamak ang korapsyon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ayoko na pong dumagdag ng komento tungkol d’yan basta ang ating layunin dito, iisa po—sugpuin ang korapsyon sa gobyerno,” saad ni Go.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

“Unang araw pa lang ng termino ni Pangulong Duterte, isa sa kanyang ipinangako ay labanan ang korapsyon sa gobyerno, labanan ang kriminalidad at labanan ang iligal na droga,” giit ng senador.

Kaugnay nito, ibinahagi ng senador ang ilan sa mga hakbang ng pangulo kontra sa korapsyon, kabilang na ang pagsibak sa mga tiwaling opisyal at pagpapangalan sa mga ito sa harap ng publiko.

“Tuluy-tuloy po ‘yan hanggang may mga taong sinisibak at tinatanggal sa gobyerno at pinapangalanan niya in public. Kahit na ang iba d’yan, tumulong sa kanya nung kampanya… kapag naamoy niya na sangkot sa korapsyon, sinisibak n’ya agad,” pagbabahagi ni Go.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa huli, nanawagan si Go sa lahat ng mga Pilipino na makipagtulungan sa gobyerno at makiisa sa laban ni Duterte kontra korapsyon, dahil hindi umano ito kaya ng pangulo ng mag-isa.

“Seryoso si Pangulong Duterte sa kampanya laban sa korapsyon so tulungan natin siya. Hindi niya ito kayang gawing mag-isa,” ani Go. “Tulungan natin siya, isumbong n’yo po kaya sabi ni Pangulong Duterte, pangalanan dapat dahil hindi na tatagal ng isang linggo kapag napatunayan n’ya. Sisibakin n’ya po,” dagdag pa nito.