Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. sa pagdidirekta sa Department of Health na unahin din ang pagtugon sa sakit na tuberculosis at human immunodeficiency virus infections, bukod sa COVID-19.
Ayon kay Go, habang nakatuon ang bansa sa COVID-19, mahalaga pa rin na bigyang-pansin ang paglaban sa HIV at TB.
Dagdag pa niya, ang mga naturang infectious diseases ay maaaring magdulot ng malalang epekto sa komunidad, kaya ang pagtugon dito ay ‘crucial’ para sa overall health and wellness ng mga Pilipino.
Aniya, sa pamamagitan ng kampanya kontra HIV at TB, masisigurong ang mga resources na nakalaan, ay magagamit upang maproteksyunan ang mga tao.
Mababatid na kamakailan, ipinag-utos ni Marcos sa DOH na hindi lamang COVID-19 ang pagtuunan ng pansin, kundi pati na rin HIV and TB infections. // SMM
