Go CamNorte application para sa mga turista  sa Camarines Norte maari nang i-download at gamitin!

CAMARINES NORTE- Maaari ng i-download at gamitin ang kauna-unahang Go CamNorte mobile guide app  para sa mga nais bumisita at mamasyal sa mga tourist destinations sa Camarines Norte

Maari itong magamit ng mga IOS user at android  phone user, at  available ito sa Google Play Store at Apple Store.

Sa pamamagitan ng nasabing application, ang lahat ng impormasyong kakailanganing malaman ng mga turista patungkol sa lalawigan ng Camarines Norte ay nakapaloob na dito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Katulad na lamang ng mga magagandang destinasyon at aktibidad na pupuwede nilang  ma-enjoy at ma- experience sa pagbisita sa lalawigan.

Matatagpuan rito ang mga detalye at impormasyon sa mga lugar na nais punatahan kagaya na lang ng Calaguas group of Islands, Capalonga Lighthouse, Parola Island ng Jose Panganiban, Canimog Island ng Mercedes at marami pang iba.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipag-tulungan ng Provincial Tourism Operations Office sa ilalim ng Provincial Government ng Camarines Norte sa hangaring makapag-bigay ng maganda at mabilis na serbisyo pang turismo.