Go at dating pangulong Duterte, pinangunahan ang paggunita ng Cancer Survivor’s Day sa Davao City

Magkasama sina Senador Christopher “Bong” Go at dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang sa Survivors Day na isinagawa sa SMX Convention Center sa Davao City upang parangalan ang katapangan at lakas ng lahat ng cancer patients.

Ang kaganapan ay inorganisa ng House of Hope Foundation para sa mga Bata na may Kanser.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Pinuri ni Go ang katatagan ng mga Filipino cancer patients at hinimok na huwag mawalan ng pag-asa habang ang gobyerno ay nagsisikap na mapabuti ang mga serbisyo at suporta sa mga ito

Nabatid na taon-taong inaantabayanan ng mga batang may cancer, survivors, at kanilang mga pamilya ang Survivors’ Day ng House of Hope Foundation tuwing Disyembre 8 dahil ito ay isang pagkakataon para sa kanila na magsaya at manalo ng mga premyo.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Sa pagdiriwang ngayong taon, namahagi ng mga regalo at tulong sa kabuuang 350 na mga pasyente ng cancer sina foremer President Duterte at Senador Go.