Ipinagdiriwang ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang 20th wedding anniversary.
Sa Instagram, ibinahagi ni Gladys ang isang larawan ng kanyang asawa, kung saan niya rin binati ang kanyang asawa.
Bukod sa kanilang wedding anniversary, ipinagdiriwang din ng dalawa ang kanilang 31st year bilang magkasintahan.
Sa caption ng kanyang post, ipinahayag ni Reyes ang kanyang pasasalamat sa Diyos para kay Roxas.
Inilarawan niya ang kanilang pagmamahalan bilang “her first, her last, and her lifetime.”
