Bumaba ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas noong Nobyembre dahil sa outflows mula sa mga bayad ng gobyerno sa mga utang nito.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakitang ang GIR ng bansa ay umabot na sa $93.954 billion noong Nobyembre.
Bahagya itong bumaba sa $94.027 billion noong Oktubre, at $107.723 billion noong Nobyembre 2021.
Ayon sa BSP, ang pagbaba ng GIR level ay dahil sa epekto ng pagbabayad ng Pilipinas ng foreign currency debt obligations.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Chief Economist Michael Ricafort, inaasahan namang tataas ang reserves ng Pilipinas sa huling bahagi ng taon, kasabay ng remittance inflows sa gitna ng holiday season.
