Winelcome ng Commission on Human Rights (CHR) ang bagong estratehiya ng gobyerno pagdating sa pagsupo sa ilegal na droga kasabay ng pagsusulong ng imbestigasyon sa umano’y mga naging pag-abuso ng awtoridad sa mga biktima ng war on drugs.
READ MORE:
Kamakailan ay inilunsad ng administrasyon ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA program, na naglalayong labanan ang lumalalang problema sa droga at rehabilitasyon ng drug users sa bansa.
Ayon sa komisyon, kinakailangang magkaroon ng re-orientation at retraining sa mga police personnel upang mapigilan ang abuso at violation.
Bukod dito, umaasa ang CHR na kasama sa mga pagbabago sa kampanya kontra ilegal na droga ay ang pagtalakay din sa accountability, lalo na sa imbestigasyon laban sa mga pulis at opisyal na hinihinalaang sangkot at responsable sa pagpatay noong kasagsagan ng drug war.
