Ginagawang railway bridge sa India, gumuho; 26 trabahador patay, habang ang ilan pinaghahanap pa

AABOT sa 26 na trabahador ang patay sa ginagawang railway bridge sa North-Eastern India habang pinaghahanap pa ang ibang mga kasamahan nito matapos malaglag mula sa tuktok na may taas na 328 feet.

Sa kabuuan, 40 na katao ang nasa site nang biglang gumuho ang tulay na kanilang pinagtatatrabahuhan.

Ayon naman sa opisyal na pahayag ni Prime Minister Narendra Modi, makatatanggap ng karampatang tulong ang mga naapektuhan ng nasabing insidente.

Dagdag pa niya, maglalaan ang pamahalaan ng 200,000 rupees o $2,400 sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Samantala, hindi pa rin kumpirmado ang sanhi sa pagkakaguho ng nasabing tulay habang nagbukas naman ng imbestigasyon ang mga awtoridad nito. ###|JOHNOAH MAE A. ZEPEDA, Intern