Gilas, nagsimula ng mag-training para sa SEA Games

Nagsimula ng mag-training ang Philippine men’s national basketball team na Gilas Pilipinas para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam na mag-uumpisa sa darating na ika-12 ng Mayo.

Sa isang Instagram post ng Gilas Head Coach na si Chot Reyes, nakitang nag-eensayo ang grupo sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng Ateneo de Manila University.

Read More:  PLDT downs Capital1 for first PVL win

Kabilang sa training ang 16-year-old Fil-Am na si Caelum Harris at sina cadets William Navarro at Lebron Lopez. Kasama din ang mga PBA players na sina San Miguel’s Moala Tautuaa, June Mar Fajardo, Isaac Go, Kevin Alas at Robert Bolick. Maging ang TNT pair na sina Troy Rosario at Kib Montalbo ay sumama din.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Samantala, target ng grupo na depensahan ang gold medal na ipinanalo nila noong 2019.

(ARGIE ERGINA)