Gilas at coach nitong si Tim Cone, layong makatungtong sa Olympics

Malinaw kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang layunin niya at ng koponan sa kinalalagyan nila nagayon ang makatungtong sa Olympics.

Ayon kay Cone, simula’t simula pa lamang ay ito na ang kanilang goal, mapa-Paris pa yan para sa Summer Games o 2028 Olympics sa Los Angeles.

Malapit nang magsimula ang “Road to Olympics” journey ng Gilas, na uumpisahang makipaglaban sa Hong Kong para sa unang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Binigyang-diin naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na palaging nakatuon ang kanilang programa sa pagpapabuti ng buong sistema, kasunod ng panalo ng Gilas sa parehong SEA Games at Asian Games.