Agad na inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group ang isang German national matapos nitong manakit ng isang pulis sa NAIA Terminal 1.
Nangyari ang insidente nitong October 8 habang isinasagawa ang huling security screening bago ang flight ng dayuhan patungong Vancouver, Canada.
Ayon sa ulat, tumanggi ang nasabing German national na sumunod sa mga ipinapatupad na seguridad ng Office for Transportation personnel sa kabila ng paulit-ulit na paalala.
Nauwi sa pisikal na komprontasyon ang sitwasyon nang itulak at sipain ng pasahero ang isang pulis na nakatalaga sa NAIA Police Station 1, na nagresulta sa kanyang agarang pag-aresto.
Nahaharap ngayonsa kasong Direct Assault at Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person ng Revised Penal Code ang suspek.