Gasoline station at katabing tindahan sa Tupi, hinoldap!

KORONADAL CITY — NAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa bayan ng Tupi sa nangyaring robbery hold-up pasado ala-1 kahapon ng hapon sa Amet Gasoline Station at katabi nitong tindahan ng mga frozen meat at fish products sa Purok 1, Barangay Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa Tupi PNP, pinasok ng apat na mga suspek ang gasolinahan at nag-deklara ng hold-up kung saan nakuha umano ng mga ito ang P30,000 na pera, cellphone, ID ng may-ari at handheld radio.

Dalawang suspek naman nang hold-up sa katabing Babes Olarte Frozen Meat and Fish Product kung saan nakuha umano ng mga ito ang P14,000 na pera at isang cellphone.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Agad namang tumakas ang anim na mga suspek matapos nagawa ang krimen.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.