Gasolina at Kerosene, muling magtataaas ; Diesel, may kakatampot na rollback

Simula bukas ay epektibo na ang ‘dagdag-bawas’ sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Madaragdagan ng P0.95 ang kada litro ng gasolina; habang mayroon ding umento na P0.50 sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Mayroon namang ipatutupad na katiting na rollback sa diesel sa P0.20 na tapyas sa kada litro.

Epektibo ang adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell, Jetti, PTT Philippines, Flying V, PetroGazz, SeaOil; habang hatinggabi naman sa Caltex; at alas-kuwatro ng hapon bukas sa CleanFuel.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Kung matatandaaan – ito na ang ikalawang linggong sunod na price hike sa gasolina at kerosene matapos ang ilang linggong sunud-sunod na rollback.
#