Mananatiling sarado ang ang gas pipeline ng Russia patungong Germany na dapat sana ay magbubukas na ngayong araw.
Ayon sa Gazprom, nadiskubre kasing may oil leak sa turbine sa Nord Stream 1 pipeline na nangangahulugan na mananatili itong sarado hanggang sa hindi pa malamang petsa.
Una nang isinara ang pipeline ng Gazprom sa nakalipas na mga araw dahil sa maintenance work. Ang kumpirmasyon ay sa gitna ng tumataas na pangamba ng mga pamilya sa European Union na hindi kaya ang gastusin ng heater ngayong winter.
Matatandaan na sumirit nang husto ang presyo ng petrolyo mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.
