LEGAZPI CITY – Inilatag ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang mga salik na dapat isaalang-alang sakali mang i-take over ng ALECO o ng anumang grupo ang pagsuplay ng kuryente sa lalawigan.
Ayon kay Patricia Gutierrez, spokesperson ng nasabing opisina, kabilang sa mga salik na ito ay dapat na maibalik sa San Miguel Corporation ang kinapital nito, dahil hindi pa nila umano nababawi ang ininvest ng nasabing korporasyon.
Dagdag pa nito, babayaran din ang utang dahil ang konsumo ng kuryente ay aabot na sa tatlongdaang milyumpiso sa isang buwan, kung saan ang limampung porsyento nito ay sa merkado habang ang kalahati naman ay para sa SMC na babayaran.
Sinabi ni Gutierez na kapag hindi nabayaran ang nabanggit na utang, ititigil ng SMC ang pagsusuplay ng kuryente.