Naibahagi ni Sec. Larry Gadon na pinayuhan na pala siya ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos na maghinay-hinay sa kaniyang pananalita.
Sa isang panayam, sinabi ni Gadon na pinato-tone down na raw sa kaniya ng First Couple ang kaniyang mga aksyon.
Patunay na raw dito ang hindi niya pagpatol at pagsagot ng pabalang sa mga kritiko ng kaniyang appointment.
Sa huli, nandigan si Gadon na hindi siya nagsisi sa mga aksyon niya noon, kabilang na ang pagmumura sa isang journalist na dahilan ng kaniyang pagkaka-disbar.
Ang mahalaga aniya sa ngayon ay nanalo si Marcos na kaniyang sinuportahan noong halalan.
Kung maaalala, makailang beses nang sumubok si Gadon na tumakbo sa pagka-Senador; Nitong 2022 elections, tumakbo siya sa ilalim ng slate ng tambalang UniTeam ngunit nabigo ring manalo.
