Appointment ni Gadon bilang PAPA – tuloy sa kabila ng pag-disbar ng SC

Tuloy pa rin ang trabaho at appointment ni Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA).

Ito ang idiniin ni Executive Sec. Lucas Bersamin sa kabila ng unanimous decision ng Korte Suprema na i-disbar na si Gadon bilang isang abugado.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa isang pahayag, sinabi ni Bersamin na batid na nila ang naturang desisyon ng Kataastaasang Hukuman.

Sa kabila nito, naiintindihan daw ng Pangulo na hindi naman makaaapekto ang legal profession status ni Gadon para sa pagsisilbi niya bilang anti-poverty-czar.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Kumpiyansa rin daw ang Pangulo na magging mabuti ang kaniyang trabaho.

Sabi ni Bersamin, tuloy ang trabaho ni Gadon bilang PAPA lalo na’t mayroong mahalagang tungkulin ang bagong secretary para mapagtagumpayan ang anti-poverty programs ng administrasyon.