Fuel Cards  ng mahigit isang libo benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program ng LTFRB sa Camarines Sur nakatakda nang ipamahagi

NAGA CITY- Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Bicol ang listahan ng mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program at nakatakda na ring magsisimula ang pag release ng fuel cards.

Sa Camarines Sur mahigit isang libo ang nasa listahan. Kailangan hanapin ng mga Pantawid Pasada Program (PPP) card holders ang mga gasolinahan na may PPP signage kung saan puwedeng magamit ang fuel subsidy. Ang mga driver o operator o sinumang nakapangalan ay dapat na tumungo sa opisina ng LTFRB Bicol Regional Government Center, Rawis, Legazpi City simula July 1, 2024, 9:00 AM hanggang 4:00 PM at dalhin ang mga kinakailangang dokumento sa pag proseso ng subsidiya.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Joel Defeo sinabi nitong gagamitin lang ang fuel subsidy sa pagbili ng gasolina sa mga gas station at hindi pang grocery at iba pang gastusin.