‘Free ride’ sa jeep papuntang SITEX muling ipinaalala ng Committe on Transportation sa mga tsuper

SORSOGON CITY – Muling umapela ang Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod sa lahat ng mga tsuper kaugnay sa libreng sakay sa mga patungong transport terminal.

Sa ginanap na regular session nitong nakatalikod na linggo, sinabi ng Komite na marami pa ring nagrereklamo na commuters pagdating sa pasahe partikular na ang pag-aarkila ng masasakyang tricycle patungong Sorsogon Intragrated Terminal Express (SITEX) sa Barangay Balogo na hindi na umano kinakailangan.

Read More:  Nearly 700 topless violators recorded in Davao City in one week

Base kasi sa napagkasunduan, libre na ang lahat ng sasakay patungong terminal dahil dito rin naman ang babaan at sakayan ng lahat ng mga jeepneys maliban sa tricycle.

Read More:  30 arrested in raid on alleged Atong Ang-linked e-sabong hub in Negros Occidental

Muli, sinabi ng konseho na nasa pasahero na umano ang desisyon kung nais nitong mag arkila ng tricycle upang hindi na mag-abang at maghintay pa ng jeepney na dadaan sa sentro ng lungsod.