France Castro: hindi dapat kaaawaan si Quiboloy!

Hindi raw nahahabag si ACT Teachers Party List Representative France Castro kay Apollo Quiboloy kasunod ng mga sinabi nito sa bago niyang audio recording.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Catsro, sinabi nitong hindi si Quiboloy ang dapat kaawayan kung ‘di ang mga biktima nito sa sexual abuse.

Giit ng mambabatas – itigil na ang drama, at dapat simulang harapin ni Quiboloy ang kanyang kaso.

Hindi na rin daw dapat pang irason ng televangelist na pinagtutulungan siya ng pamahalaan ng US at Pilipinas kaya siya nagtatago.

Sa huli, nanindigan ang mambabatas na patuloy nilang kinokondena ang ginawa ni Quiboloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *