‘Forever Couple’ nakatanggap ng P120K mula sa city government

Mag-asawa na tinaguriang “Forever Couple” mula sa Barangay Sto. Niño sa Distrito ng Bacon ang masuwerteng nakatanggap ng P120K mula sa City Government.

Kinilala ang mga ito na sina Maximo Magdaong na 100 taong gulang na at Arceli na 92 taong gulang at 76 taon nang kasal at nagsasama.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang P100K ay insentibo na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod dahil si tatay Maximo ay isa nang centenarian at dinagdagan pa ito ng alkalde ng P20K.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mababatid na bumisita ang City LGU sa nasabng barangay para sa isang medical mission at gift giving.