Football: Azkals, talo vs Singapore sa friendly match

Talo ang men’s national football team ng Pilipinas sa 2-0 sa Singapore sa kanilang Football Association of Singapore (FAS) Tri-Nations Series sa Singapore National Stadium, Martes ng gabi.

Nabatid na kulang ang lineup ng Azkals matapos na sundin ang COVID-19 protocols ng Singapore.

Dahil dito, ang team ay mayroon lang 15 players na available.

Kaugnay nito, nakabangga nila ang highly physical match sa mga Singaporeans, isang mahirap na sitwasyon na lalo pang nabawasan ang roster sa 10.

Matatandaan na noong Miyerkules, natala rin ang Azkals laban sa Malaysia sa pamamagitan ng kaparehong margin.