CAMARINES SUR- Tuloy-tuloy ang implementasyon ng “Walang Gutom 2027” food stamp program sa bansa na programa ng pamahalaan.
Sa Bicol Region ang Garcitorena lamang ang napabilang sa pilot implementation kasama ang Tondo, Manila; Dapa, Siargao; San Mariano, Isabela at Parang, Maguindanao.
Ayon kay Mayor Leda San Luis, ang mataas na bilang ng mga malnourished ang nakita niyang dahilan. Mataas din ang bilang ng mga mahihirap lalo na ang mga umaasa sa hanapbuhay sa dagat kaya malaking tulong ang programa sa mga indigent families.
Sa datus na nakuha ng BNFM Naga sa nutrition office Rank 2 sa Bicol ang Garchitorena sa may pinakamaraming bansot habang Rank 4 naman sa pinapamaraming kulang sa timbag. Hindi batid ng opisina kung ano pa ang mga naging basehan pero alam nila na panay ang lapit ng LGU sa mga national agencies para sa mga programa sa nutrisyon.
Sa ilalim ng programa ang mga food-poor families base sa criteria ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay mabibigyan ng P3,000 buwan-buwan mula Hulyo hanggang sa Disyembre 2023.