Umapela si Agriculture Secretary William Dar sa susunod na adminsitrasyon na dagdagan pa ng pondo ang sektor ng agrikultura.
Ito ang hiniling ng Kalihim sa gitna ng banta ng krisis sa pagkain.
Ayon sa Kalihim, kinakailangan pagtuunan ng pansin ng susunod na Gobyerno ang probmela sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

Sa ngayon daw kasi, nababahla sila sa mabagal na produksyon ng pagkain hanggang sa susunod na taon.
Ilan sa mga tinitignang dahilan ng Kagawaran para rito ay ang nagpapatuloy pa rin na hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagdulot umano ng problema sa global food supply chain.
Dahil dito, hinimok ni Dar ang lahat ng concerned agencies, at mga stakeholders sa sektor ng agrikultura na mag double-time na at ituon ang pansin sa pagpapabilis ng agricultural productivity.
Panawagan ng Kalihim sa magiging susunod na Gobyerno at mga miyembro ng Gabinete, solusyunan ang problema sa sektorng agrikultura para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
#