Food and water sufficiency projects ng DSWD Bicol, nakumpleto na sa 12 LGUs sa rehiyon

BNFM Bicol- NAKUMPLETO na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang pagpapatupad ng proyektong Local Adaptation to Water Access (LAWA) at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (BINHI) para sa 12 mga lokal na pamahalaan sa tatlong yugto ng programa sa rehiyon.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Ito ang mga bayan ng Caramoran, Gigmoto, Viga, at Bagamanoc sa Catanduanes; Magallanes, Pilar, Casiguran, Donsol, at Castilla sa Sorsogon; at Balud, Batuan at Pio V. Corpus sa lalawigan ng Masbate.

Aabot naman sa 3,642 na partner beneficiaries ang makakatanggap ng P7,900 para sa ginanap na kabuuang 20-day cash-for-training and work.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Layunin ng mga programang ito na matugunan at mapagaan ang mga hamon na maaaring idulot ng paparating na La Niña. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from DSWD