NAGA CITY – Huli ang isang fixer na nagpakilalang empleyado umano ng Land Transportation Office (LTO) matapos na ipasailalim ito sa isang Entrapment Operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG – Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Jay-Ar Hernandez, alyas “Pong” 37-anyos ng Sabang, Naga City.
Ayon kay PLTCoL. Raymond Nicolas, ikinasa ang nasabing operasyon nang ireklamo ito sa kanilang tanggapan ng isang magre-renew ng lisensya, kung saan hiningan umano ito ng suspek ng P8K at pakatapos ay hindi na umano ito ma-contact.
Napag-alaman pa kay Nicolas na may mga record na rin pala ito sa barangay dahil na rin sa parehong reklamo.
Mahaharap na man sa kasong Swindling ang nahuling fixer na hindi na nagbigay ng pahayag.