Fixer at kasabwat na sekyu ng LTO, nasampolan ng ARTA

SORSOGON CITY – Nasampolan ang isang fixer at kasabwat nito na security guard sa Land Transportation Office (LTO)-Sorsogon sa pag-iikot ng mga tauhan ng Anti-Red Tape Authority o ARTA.

Personal na nasaksihan umano ng ARTA ang paglabag sa RA 11032 sa loob ng nasabing opisina na pinangunahan mismo ng ARTA Chairman na si Sec. Jeremiah Belgica.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, habang nagsasagawa ng Anti-Red Tape Law operations ang ARTA, nasita nito ang dokumentos ng isang 19-anyos na babae na kumukuha ng kanyang student permit. 

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa ginawang interogasyon sa biktima, ibinunyag nito na hinikayat siya ng guwardiya na kumuha ng dokumentos sa labas ng LTO office dahil ‘’mas madali’’ umanong maproseso ang kanyang papeles kung kaya’t naenganyo umano siya.

Dagdag pa ng biktima, nakakuha siya ng medical certificate na hindi na dumaan sa medical examination, nakakuha din siya ng certificate of completion sa isang driving school na hindi dumaan sa theoretical training lahat ito ay binayaran niya ng P2K kasama na ang pagproseso ng kanyang papeles sa naturang opisina.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Kinilala ang fixer na si Roque Elona Doctor, 22-anyos, binata at naninirahan sa Brgy San Roque, Bacon District, Sorsogon City at ang LTO security guard na si Rodrigo Doctor Dellosa Jr., 34-anyos, may asawa at residente ng Brgy Taboc, Juban, Sorsogon.

Ang mga suspek ay nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Gov’t. Services.