Fixed salary para sa mga barangay officials, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng fixed salary at magdedeklara sa mga opisyal ng barangay bilang regular government employee.

Sa House Bill 502 ni Davao Representative Paolo Duterte, ipinunto nito na nagsisilbi ang mga barangay officials bilang unang takbuhan ng kanilang mga nasasakupan kung kaya’t nararapat lamang na maayos din ang kanilang natatanggap na sweldo.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Sa naturang panukala, makakatanggap ang mga punong barangay ng kanilang sweldo na katumbas ng 80 percent ng sahod ng mga miyembro ng sanggunian sa lungsod at munisipalidad.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Para naman sa mga Sangguniang Barangay members, 65 percent ng sahod ng mga miyembro ng sanggunian sa lungsod at munisipalidad ang kanilang magiging sweldo.

At 50 percent naman para sa mga barangay secretary and barangay treasurer.