Malungkot na dumaong ang mga mangingisda sa Buhi, Camarines Sur; ang laman kasi ng kanilang mga bangka, patay na tilapia.
Naiulat ang fish kill kahapon Hulyo 23, 2024 sa Lake Buhi, sa inisyal na tala ng Lokal na pamahalaan , sinabi ni Mark Nazarrea , tagapagsalita ng LGU, 13 na mga fish cage operators ang epektado.
Umabot naman sa 4, 990 kilo ng tilapia ang na harvest kahapon sa Sta. Clara, Sta Elena, Ipil at Salvacion.
Inaalam pa ang pinsala nito at kung ilan pa ang nadagdag.
Ayon sa LGU posibleng dahil ito sa pag-uulang dala ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina. Nobyembre 2023 nang huling naitala ang fish kill sa lugar dahil sa pagbaba ng husto ng dissolved oxygen level dahil rin sa panahon.
Kinukuha pa ng Lake Development ang kabuohang datus ukol dito.