First Lady Liza Araneta Marcos, sinabing may class ang mga Pilipino

Wala raw puwang sa Bagong Pilipinas ang paninira at masasakit na salita, ayon kay First Lady Liza Araneta Marcos.

Sinabi ito ng unang ginang sa kanyang talumpati sa launching ng medical laboratory services program sa La Union.

Ayon sa First Lady, may class naman daw ang mga Pilipino anuman ang katayuan nila sa buhay, kaya hindi na uso ang paninira, pambabatikos at pagsasalita ng masasakit.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si First Lady LAM sa publiko, matapos ang sunod-sunod na banat kay Pangulong Bongbong Marcos.

Matatandaang nagbitiw ng maaanghang na alegasyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Marcos, habang ang anak naman nitong si Mayor Baste Duterte ay tinawag na tamad at nanawagan sa pagbitiw sa pwesto ng Pangulo.