Final decommissioning sa mga MILF combatants isasagawa bago matapos ang September

Inihayag ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na mangyayari ang final phase ng decommissioning process para sa natitirang Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants ngayong buwan.

Ayon kay  Ebrahim, nakatakdang magsagawa ang peace implementing panels ng Moro Islamic Liberation Front at ang gobyerno ng Pilipinas ng decommissioning ceremony para sa natitirang 5,500 na mga dating MILF combatants at binatawan ang 2,400 pang mga armas sa September 28, 2022.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ang decommissioning process ng MILF combatants ay kabilang sa integral part ng normalization track process sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na nilagdaan sa pagitan ng dalawang panig noong 2014.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Layunin nito na tulungan ang mga dating combatants na mag-transform bilang peaceful at productive citizens.