Filipino lawyer sa Canada iniuugnay sa pagkamatay ng isang University instructor

Inaresto ng mga otoridad ang isang Filipino lawyer sa Canada dahil sa alegasyong may kaugnayan sa pagkamatay ng isang Canadian University instructor.

Kinilala ang suspect na si Rogelio Butch Bagabuyo, 54 anyos na nahaharap sa kasong “interfering human remains”.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Agad namang nakalaya si Bagabuyo matapos itong magbayad ng piyansa pero tumanggi itong maglabas ng statement.

Nag-ugat ang kaso sa pagpatay kay Mohd Abdullah na 21 taon nang nagtuturo sa Thompson Riverside University sa Kamloops, British Columbia na unang na-report na nawawala at pagkatapos ay natagpuan ang bangkay nito sa loob ng isang plastic bin sa isang abandonadong van sa Monterey place.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kinumpirma naman ng anak ng biktima na malapit na magkaibigan ang kanyang ama at ang suspect.