Comelec, pabor na mas mataas ang makukuha ng mga guro na magtatrabaho sa eleksyon

Aminado si Comelec Commissioner George Garcia na mas risky ngayon ang pagsasagawa ng eleksyon dahil sa pandemya kaya dapat na talagang mas mataas ang makukuha ng mga guro.

Kaugnay nito ay sinabi ni Garcia na baka makatulong sa Comelec kung maipaparating sa BIR na pag-isipan yung tax sa mga gurong magsisilbi sa eleksyon at ma-wave na lang ang kanilang buwis.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sinabi ni Garcia na isasagawa ang kanilang pulong sa grupo ng mga guro mamayang hapon para pag-usapan ang tax na ipinapataw sa mga guro.

Tiniyak din ni Garcia na maliban sa tax na isinusulong na ma-wave, titignan niya din ang laman ng sulat ng mga guro para malaman kung ano pa ang mga maaaring magawa niya para sa mga ito.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Kabilang dito aniya ang overtime pay sa mga guro na magsisilbi sa eleksyon dahil labas na ito sa kanilang trabaho sa eskuwelahan pero ang DBM at Civil Service commission ang magpapasya hinggil sa usapin.