KORONADAL CITY- UUPO bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato si Vincent Figueroa matapos itong nanalo sa isinagawang eleksyon ng Provincial Sangguniang Kabataan o SK Federation.
Si Figueroa ay SK Chairman ng Barangay Tinongcop, at unang nahalal bilang SK Federation President ng Tantangan. Ito ay nakakuha ng 9 na mga boto laban kay Angelique Dave Costas ng Polomolok na nakakuha lamang ng 2 votes.
Samantala, Vice President naman si Kia Lee Ladot ng Sto.Nino, Secretary si Cecille Alsula ng Norala, Treasurer si Pritsel Hans Espallaro ng Surallah, Auditor si Mark Jerson Claudio ng Tupi, PIO si Charles Ronn Trinidad ng Koronadal City at Sgt at Arms si Ian Jorge Gesalan ng Banga. Ang mga newly-elected SK federation officials ay nanumpa na sa harap ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.
