Fetus natagpuan sa ilog sa Naga City

NAGA CITY- Wala ng buhay nang matagpuan ang isang hinihinalang lima hanggang anim na buwang  gulang na fetus sa ibabaw ng bato sa isang ilog sa Zone 5, Brgy. Balatas, Naga City bandang alas otso ng umaga nitong Dec. 8, 2023.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon sa dalawang menor de edad na nakakita, nakasilid ang fetus sa isang plastic at nang makita ang laman nito ay dito na sila humingi ng tulong. Agad namang rumesponde ang mga otoridad.

Sa ngayon hawak na ng Our lady of Lourdes Infirmary Hospital, Carolina, Naga City ang fetus habang nagpapatuloy naman ang imbistigasyon ng mga pulis sa posibleng pagkakakilanlan ng magulang nito.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay Punong Barangay Kap Ferdinand De Hitta, ikinalulungkot nila ang pangyayari, makikipag-ugnayan din aniya sila sa San Felipe para matukoy ang magulang nito.