FDA: 76,837 AEFI mula sa 75 M COVID vax doses

Nagtala ang Food and Drug Administration (FDA) ng 76,837 na mga adverse events following immunization (AEFI) o 0.1 percent mula sa mahigit 75 million vaccinations laban sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mula sa naturang bilang, mayorya dito ang “very mild” habang tanging 0.005 percent (3,874) ang serious adverse reactions.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Una nang sinabi ng Department of Health na ang ilang serious adverse events na naranasan ng ilang vaccine recipients ay ang hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa kabila ng naturang AEFI reports, binigyang diin ni Domingo na lahat ng vaccinees sa national immunization program ay ligtas at epektibo.