F2F classes sa pampublikong paaralan, kanselado ngayong araw hanggang bukas

Kinansela ng Department of Education (DepEd) ang mga face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong araw hanggang bukas dahil sa matinding init ng panahon, gayundin ng malawakang transport strike.

Sa abiso ng DepEd, sinabing hindi na rin kailangan pang mag-report sa school ng mga teaching at non-teaching personnel.

Ang anunsyo ng ahensya ay kasunod ng naging forecast ng PAGASA kung saan nasa 30 mga lugar ang makararanas ng mapanganib na heat index na posibleng maglaro sa 42 hanggang 50°C.

Maliban dito, dahilan din umano ang kilos-protestang ikakasa ng mga transport groups bilang pagtutol sa PUVMP.

Samantala, hindi saklaw ng anunsyo ang mga private schools pero maaari pa rin daw ang mga itong sumunod sa abiso ng kagawaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *